Đọc Truyện theo thể loại
[ Ashley's POV ]
Hindi ko talaga alam kung bakit nagkaganito. Natatandaan ko pa yung nangyari kanina eh.

----------(Flashback)----------

"Madali lang naman pala yun dare niyo eh kering-keri niyong dalawa itey. Kailangan niyo lang naman na maging magkasama buong araw. Oh di ba? Keri boom boom niyo naman gawin itey?"
"Oo naman. Kami pa ba?", sagot ni Carl.
Napalingon naman kami sa isa't-isa.
"O wala naman palang problema eh", sabi ni Francis. "Pwede na kayong lumabas".
----------(end of flashback)-------
"Ayun, tapos alam mo ba...", kwento ni Anna habang naghuhugas ng kamay.
Nandito nga pala kami sa loob ng CR kasi kinailangan kong magbawas muna kasi nakakahiya naman kung mamaya pa ako magbawas kapag kasama ko si Carl di ba? Sakto naman na nandito din pala si Anna.
'Tama bang ikwento ko kay Anna yung tungkol sa nangyari kanina? Eh di ba crush niya si Carl? Baka mamaya magtampo siya nito sa akin kapag nalaman niyang kasama ko ang crush buong araw!'
"Bestie, tapos na akong maghugas ng kamay. Labas na ako ha, kita na lang tayo mamaya", sabi niya at lumabas na ng CR.
Maya-maya lang din ay lumabas na ako ng CR at nagpunta doon sa bench kung saan ko unang nakita si Carl kasi dun namin napag-usapan na magkita.
Malapit na ako sa may Garden kung nasaan nandun yung bench kaso biglang may humila sa kamay ko...
"Waaaahhhh!!!! Sino ka? Anong kailangan mo sa akin ha? Saan mo ko dadalhin?", sigaw ko sa taong nakahawak sa akin habang hinahampas ko siya ng walang tigil.
"Aray! Aray! Ikemberlu kita diyan sa Bermuda Triangle eh!"
Wait... ang kidnapper ko ay si...

...Francis??!!

"F-Francis?", sabi ko.
"Ano ha? Hahampasin mo ulit ako ha? Nakakaloka kang babae ka!"
"N-nako pasensiya na, eh bigla-bigla ka na lang kasing nanghihila diyan eh! Malay ko ba kung kidnapper ka di ba? Sorry di ko na uulitin promise-"
"Hindi na talaga mauulit kasi ikekemberlu talaga kita sa Bermuda Triangle kapag inulit mo pang hampasin ang maganda kong balat! Hmp!", sigaw niya sa akin habang hawak-hawak ang braso niyang pinaghahampas ko kanina.
"Eh Francis bakit ka ba kasi nandito? Anong kailangan mo?", tanong ko.
"Kasi 'Te may importante akong sasabihin sayo", sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
OMG! Hindi kaya...
"Lalaki ka talaga noh?! Ano?! Hindi na matutuloy yung dare kasi nagkagusto ka sa akin noh?! At imbes na si Carl ang makasama ko buong araw ay gusto mong ikaw na lang!", sigaw ko sa kaniya.

"'Teng yung totoo? Naka drugs ka ba? Hindi ka naman mukhang adik", sabi niya ng medyo mataray.
"H-ha?"
"Ay adik nga... Anyway, Norway, Highway, nandito aketch kasi gusto ko lang sabihin na hindi pala kumpleto ang nasabi kong dare sa inyo ni fafa Carl. Actually ang dare niyo ay magsama ng buong araw habang nag-eenjoy in each others company pero kailangan mong...asdfghjkasdfghjklassfghjklasdfghjkl, okay?"
"Susubukan ko..."
"Sige go ka na dun kay fafa Carl! Baka hinahanap ka na nun! Go!", sabi niya sabay tulak sa akin.

>>>>>>>>>>>to be continued

«  Stolen (part 2)

Stolen (part 4) »

Loading...
#decision #friendship #humor #romance #shortstory #teenfiction

Mục lục

Từ khóa tìm kiếm