Đọc Truyện theo thể loại Tải Nhạc Mới
Two months earlier...
Nica's POV
"Best? hindi ba't vacant mo ngayon? Hindi ko na nakikita ang gwapo mong mukha...eww!" I laughed a little.
"ah..busy lang..." Malumanay na pagkakasabi ni Zai.
"Huh?hindi ba't wala ka namang recording ngayon?" Bigla akong nanlumo. Not again!
"May emergency eh..may ibang schedule ang producer ko bukas kaya't puspusan ang practice namen ngayon,sensya na talaga best..."
"Hmp! palagi naman eh..ay siya nga pala,thanks sa caramel frap at cakes..hihi.."
"Welcome."
Huh? Zai's really acting weird. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin..I really really missed him. Kapag niyayaya ko naman siyang gumala,busy daw.
Ano kaya ang pinagkakaabalahan ng unggoy na iyon? Snob na niya ang beauty ko. Kawawa naman ako..hmp..
"O sige,babay na...si Lea na lang ang yayayain ko.."
Biglang naputol ang tawag. Aba naman! kailan pa naging walang modo ang lalakeng ito?hmp! Siya pa ang nag-end ng call! hayz
Fast forward,ayun,niyaya ko si Lea instead. Masarap naman kasama ang kaibigan kong ito,topakin eh,masarap naman sa pakiramdam.
"Best dali! bagay to sa'yo!" Tumatawa pang idinikit ni Lea ang naka hanger na two-piece bikini sa akin.
"Best,gusto mo pang mabuhay ng matagal?
"Oo naman!"
"Kung ganon,manahimik ka jan! Sa'yo kasya 'yan noh! Hindi sa akin."
Nakanganguso kong sabi. Bigla akong inakbayan ni Lea at nagtawanan pa kami. Naglibot libot pa kami sa mall na iyon.
"B-Best..may ano.." Nakita kong nalaglag ang mukha niya.
"Oh,bakit biglang lungkut-lungkutan ang PEG mo dyan?"
Hinampas ko pa siya. Nakaharap siya sa akin. Nakita ko bawat galaw ng mata niya na animo'y may sinusundan mula sa aking likuran.
"Please h-huwag kang tumingin sa likod..." Yumuko agad si Lea.
Kumunot man ang noo ko sa sinabing iyon ng best friend ko,out of curiousity, bigla akong napalingon sa aking likuran.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko. Magkasama sina Zai at Mika sa pamamasyal. Nakapulupot pa ang braso ni Mika at masayang masaya naman si Zai.
Huh? Kailan pa sila naging ok? Kailan pa naglilihim sa akin ang unggoy na iyon?
Nakita ko na lamang ang aking sarili na tinatawagan siya.
"Best? busy ka pa?" At dahil sa medyo hindi kalayuan ang pagitan namin,nakikita ko rin ang reaksyon niya.
Alanganin siyang nakatingin kay Mika habang sinasagot niya ang tawag ko.
"Ah O-Oo best..marami pa kaming ginagawa mamayang gabi pa siguro ito matatapos.."
Liar! siyempre enjoy na enjoy ka diyan kay froglet eh..
"Ah talaga?" Walang kagana ganang sagot ko ngunit gusto nang sumabog ng buong kalooban ko.
"Sige best ha..ingat ka diyan..."
Nagmamadali siyang tapusin ang call dahil unti-unti nang pumapangit si froglet..nakapameywang pa ito at tumataas na ang kilay,alam niya siguro na ako ang tumawag.For the second time around,binabaan na naman niya ako ng telepono. Nanatili akong nakatayo at nakatulala sa kanila. Nakadapat pa ang cellphone ko sa tenga ko habang sinusundan sila ng tingin. Nakita mismo ng mga mata ko kung paano inakbayan ni Zai si Mika habang papasok sa isang restaurant.
May karapatan ka bang magalit,Nica? Kaibigan ka lang hindi ba? Huwag kang assumera!
Iyak ako ng iyak ng mga sandaling iyon. Ang sakit-sakit. Ang hindi ko pa matanggap ay 'yung hindi alam ni Zai na nasasaktan na pala ako. How will he ever know anyway? Kaibigan ka lang Nica. Capital K.A.I.B.I.G.A.N...in English,you're just a friend!
Nawalan na ako ng ganang magshopping at nakita naman iyon ni Lea kaya't umuwi na lang kami.
Maraming araw pa ang dumaan,hanggang sa ang mga araw ay naging linggo. Sa tuwing papasok ako,hindi ko na nakikita si Zai. Hindi na rin ito nakapagpadala ng mga text messages. Kung makakasalubong ko man siya ay pansin ko ang pag-iwas niya sa akin. Ako nama'y bumabawi ng iyak tuwing gabi,na para bang araw-araw,pinaparusahan ako ngunit wala naman akong kasalanan.
Nakahiga na ako sa aking kama...sa tuwing maaalala ko ang tagpong iyon,hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha...sobrang sakit! 'Yung feeling na katumbas ng sakit na iyon ang nararamdaman ko sa panlolokong ginawa ni Ryan sa akin noon sa nangyayari din ngayon sa pagitan namin ni Zai.
Oh Zairel...walang kang ginagawa sa akin...wala! kaibigan nga lang kita hindi ba? pero bakit ganito?
Sumisinga pa ako sa mga tissue na aking inaabot na nakapatong lang sa study table ko malapit sa kama ko..buti pa sila dinadamayan ako...sobrang hapdi na rin ng mga mata ko...kainis naman oh!
..nang walang kung anu ano'y biglang may yumakap sa akin mula sa akin likuran na siyang ikinagulat ko ng husto.
*******
Zai's POV
Shit. Napasuntok ako sa sementong pader ng condo ko. Hindi ko kayang marinig at nakikita na nahihirapan si Nica pero dapat may gawin akong tama para sa kanya.
Mr. Siason is right,hindi ako bagay sa kanya. Ano ba naman ang maipagmamalaki ko di'ba? At kaibigan lang ang turing niya sa akin kaya't tama lang na dumistansya muna ako.
But I missed Nica so much...gustong gusto ko na siyang makausap.
******
Nica's POV
Mahigpit niya akong niyayakap. Kahit mataba ako,masyado siyang malakas kaya't hindi ako nakagalaw. Nanatili akong tahimik sa gitna ng bawat paghikbi ko.
"J-Just this one please..namiss kita sobra.."
Paanas na sabi niya. Bigla na naman akong napaiyak. Tama,halos isang buwan na pala kaming hindi nagkikita.
"N-Nakikita ko kayo ni Mika.." Mahina kong sagot. Napahigpit ang yakap niya sa akin habang nakadikit na halos ang labi niya sa leeg ko.
Bwisit naman kasi ang lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko rin siyang maging ganito ka close sa akin,nagiging mahalay na eh. At kina-career na talaga ang pagiging akyat-bahay gang member. Hindi ko alam kung paano niya nalampasan ang security guards sa bahay.
"I need to do it..."
..for your own good.  Zairel kept the other words to himself.
"Zai..."
"I'll always be here for you..maniwala ka man at sa hindi,.kaibigan mo ako kaya't asahan mo na andito lang ako..tahan na."
Inutusan niya ba akong tumahan? Pero hindi ko magawa kasi masakit na masakit pa rin sa akin ang mga nangyayari.
Is he kidding me? Hah! Kaibigan niya ako pero he is making me expect more..sinasadya niya man iyon o hindi,the damage has been done!
Mahal na mahal ko na siya...higit pa sa isang kaibigan lang.
"Humarap ka sa akin." I slowly turn my back,this time,facing him.
"Ang mga luha mo...mas mahal pa kesa sa anumang bagay sa mundo..sana hindi ako ang dahilan kung bakit nasasayang ito." He is gently wiping those tears away habang nakatingin sa aking mukha.
Pansin ko,parang may namumuong luha din sa kanyang mga mata.
Naiiyak din ba siya?
He kissed my forehead. His luscious lips gently touched my forehead down to the tip of my nose. Nagsimula na naman ang pagtulo ng aking mga luha habang unti unting bumibilis ang pagtibok ng aking puso.
Na para bang gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na tanga ang nasa harapan ko. Bakit ko pa

«  SBFF: Chapter Twenty Three

SBFF: Chapter Twenty Five (WAKAS) »

#bestfriendsforever #chubby #crush #friendzone #lovestory

Mục lục

Từ khóa tìm kiếm